Forever and Always (Chapter 11 to 13)
Chapter 11:Memories Hurt.
Cez's POV
Yung boses na yun. Yung pangalan na tawag niya sken. Di kaya siya si? Pero! PAANO?! HINDI! HINDI PWEDE!
Cez! Wag kang lumingon. WAG!!! Aish too late! Lumingon ka na! Pssh -____-
"Ahh? Kilala ba kita?" pagtataka ko, patay maleysia daw kunware
"Ainne, di mo ba ko natatandaan?" pagtataka niya din
palapit siya ng palapit sken, WEW! CEZ! relax. hingang malalim. magkunwarian ka. Mala amnesia girl lang? hahaha. okay, relax. Wag kang pahalata.
"Uh? Cez kasi pangalan ko, kilala mo ba ako?" Ako
"Ah kasi-------" Siya, naputol yung sasabihin niya kasi dumating si John(kalaro niya), "Oh! pare! bat ka tumakbo?" Palapit siya smen, "Oh magkakilala kayo ni Cez?"
"uh? Hindi nga eh." pagkukunwari ko
"Ah kasi kamukha niya yung kababata ko, parehong pareho niya, Cezzainne kasi pangalan nun." Siya
"Oh! what a coincedence, yun nga ang pangalan ni Cez." John
"Ano last name mo?" Siya
"Ma--------MMMMMM" bigla ko kasing tinakpan yung bibig ni John, ayoko. ayoko niya akong makilala.
"Ano dba magbabasket ball pa kayo? Sige na magbasketball na kayo." Sabay bitaw ko kay John
"Ahhhh o sige." Napakamot na lang si Gabby
"Tsss. Sadista ka talaga. Mauna ka na muna Gab." John
Nung mejo malayo na si Gabby, hinila ko si John at bumulong ako skniya, 'Wag na wag mong ibibigay yung surname ko ah, subukan mo lang. May mangyayari na hindi kaaya aya sayo." sabay ngiti.
"Eh bakit muna?" John
"Secret na yun, ililibre na lang kita next week. Pag yun nalaman niya!!!" Ako
"Sige sige." Siya, "Una na ako."
"Ge! Yung usapan naten ah." Ako, tinext ko na rin kse sila Laura na nauna na ako kase sumakit ang tiyan ko pero pumunta talaga ako saPublic Library at dun nagbasa ng wattpad.
Kakalabas ko lang ng Public Library kasi uuwi na ako. Hay! Ang galing talagang author ni Bianca Ulan! Shet nakakakilig si Chin at Max! :'''> Masaya akong lumakad. Nang biglang...
"Ainne! Alam kong nasaktan ka, pero hindi naman siguro tama para hindi mo ko pansinin."
SHET! PANO NA?!?!?! UGHHHH! Napatigil ako sa paglalakad at lumingon. Lahat sila nagtatakang nakatingin sken.
"Oh? Kala ko ba umuwi ka na sainyo?" Laura
"Ahh. Pinapunta kasi ako ni Ate Ysay dito, eto na nga oh uuwi na ako." palusot ko, "Sige una na ko."
"Ainne! Mag usap tayo." Si Gabby
"Ah. Next time na lang? Uuwi na kse ako eh." Ako
"Ahhh sige." disappointed niyang sabi
Bago ako maglakad ng ng tuluyan, I gave a GLARE to John. Patay talaga siya sken!
Eto ako nasa kwarto, iniisip ko kung siya talaga yun. Imposible kasi eh. Unti unti na namang kumikirot yung puso ko. Sabi nga nila, first cut is the deepest. Ayaw ko na balikan yung nakaraan. Ayoko na talaga. AISH! Pinagpupukpok ko yung ulo ko gamit ang unan. kakahilom pa nga lang ng puso ko, may panibagong sakit na naman! WAAA! Kelan ba to matatapos?! <//3
"Oh? Nasisiraan ka na naman ba ng ulo?" Ate Ysay
"AISH! Bat di ka man lang kumatok ate?" Ako
"Pano, nagulat naman ako sayo kanina ka pa umuungol jan parang aso. Ano ba kasi yun ah?" Ate Ysay
"Nandito siya." Ako
"Sinong siya?" Ate
Bigla kong pinakita yung bracelet skniya. "OH SHT! Si Gabby?! W-wait? Paano?" Ate
"Hindi ko din alam, kaibigan pala siya nung mga ka tropa naming Pilipino. Nagulat nga ako kasi tinawag niya akong Ainne." Ako sabay buntong hininga
Umupo agad sa kama si ate, "Oh anong nararamdaman mo ngayon?"
"Ewan ko. Kakagaling pa nga lang neto oh (tinuro ko yung puso ko) masasaktan na naman ulit." Ako, "Sabi niya gusto niya akong kausapin."
"Oh nakipagusap ka?" Ate
"Hindi noh. Ayoko. Ayoko pa." Ako
"Mahal mo pa?" Ate, sabay nagkatinginan kami
"Hindi na." mabalis kong sagot
"Chhh! Whatever you say." Ate
"Tss. totoo naman eh, hindi na talaga." Ako
"Wag kang magdeny." Ate
"Hindi na nga kasi dba?" Ako
"Galit ka pa din skniya?" Ate, nagkatinginan lang kami, "Okay! Alam ko na sagot."
"A-alam mo?" Ako
"Oo, mahal mo pa siya." Ate
"HUH? Eh hindi naman yung tanong mo eh." Ako
"Eh yun ang sagot sa tanong ko eh." Ngiting sabi ni Ate
"Tssss." Ako
"Alam ko yung utak mo dinedeny, pero yung puso mo iba ang sinasabi." Ate, "Sige na muna iwan kita dyan para makapagisip ka. Tandaan mo, sundin mo yung puso mo pero gamitan mo pa din ng utak ah?"
Mahal ko pa nga ba siya?
Humiga ako at pumikit. At nakahawak lang ako sa bracelet ko.
*FLASHBACK*
Bata pa lang kami, magkalaro na kami ni Gabriel.
"ga-ga-b--iel!" Ako na hirap na hirap ipronounce nung pangalan niya
"gab-Riel!" Siya
"gab-R-iieeel!" Ako, "Eh ako? Ano pangalan ko?"
"Ce------Ainne!" Siya na hindi niya din ma-pronounce yung pangalan ko.
"HAHAHA! Cezz-ainne." Ako
"Ce.... AINNE!" Siya
Dahil hindi namin ma-pronounce nun mga pangalan namin, at tawag ko skniya eh, 'Gagabb' at tawag niya sken 'Ainne'. Hanggang sa kinalakihan na namen.
Kinder ako nun, umiiyak ako sa may swing...
"Uwaaaaaaaaaaaaaaah! Uwaaaaah!" Ako na humahagulgol
May lumapit sken, may dala siyang ice cream at sobrang dungis ng mukha niya, "Oh Ainne" sabay tapat sken ng ice cream. Lalo akong umiyak. "Uwaaaaaaaaaaaaaaaah!"
"Uy. tahan na.. ba-bakit ka ba umiiyak?" Si gagabb
"Kasi.....ka-si... si-si-nira n-nila y-yung b-bracelet k-ko e-eh." Ako na umiiyak pa din
"Wag ka nang magalala. Eto kaen ka ooh." Siya habang binibigay sken yung ice cream at pinupunasan yung luha ko.
Tumigil ako sa pag iyak, "Masa-rap b-ba?"
"oo, tikman mo." siya, tinikman ko at, "WOW! Sa-rap!" ako
"Sabi ko sayo eh!" Siya at tumabi sa swing na bakante.
Grade 2 kami nun, nang may umaway sken at kinuha bigla lahat ng color pencils ko.
"Uwaaaaaaaaaaaaaa!" iyak ko
Lumapit sken si Gagabb, "Bakit ka umiiyak Ainne?"
tumuro lang ako dun sa kumuha ng color pencils ko, "Uwaaaaaaaaaaaaa!"
Tumayo siya at sinutok yung lalaking umagaw ng color pencils ko at kaya naman ako napatigil sa pag iyak, "Bakit mo kinuha yan nang walang paalam ah? MAGNANAKAW!"
Lahat ng kaklase ko napatayo at nanonood..
"Bakit ka ba nangengelam PAYAT!" Yung mataba kong kaklase sabay suntok din skniya, napalapit ako kay Gagabb, "BAKIT MO SIYA SINUNTOK TABA!!!"
"SIYA NAUNA!" Si taba
Biglang pumasok yung teacher namin, "Oh anong nangyari, bat may dugo ka sa labi Gabriel?"
"Ms! Sinuntok po niya si Gagabb." Ako sabay umiyak na naman ulit
"Ms! Siya po nauna kasi." Taba
"Ni-na-kaw p-po.... ka-kasi n-niya yung c-olor p-pencils k-ko ta-tapos.." Ako
"Dito ka muna Ms. Kath, pakibantay naman sila, dadalin ko lang sa office tong si Gabriel at ito." Ms. Lee
"Sige po..."Ms. Kath
Umalis sila nila Gagabb kasama si Ms.. Hinabol ko siya pero pinigilan ako ni Ms. Kath, "Gagabb!!!!"
Lumingon siya at ngumiti. Iyak lang ako ng iyak, hindi ako mapatahan ni Ms. Kath.
Nung uwian na, nakita ko na si Gagabb na may dalang ice cream, "GAGABBB!"
"Umiyak ka na naman ba? Eto oh." Sabay abot sken ng ice cream
Tumango ako at kinuha yung ice cream, tapos pinunasan niya yung mga luha sa mata ko.
"Napa punta ka pa tuloy sa office nang dahil sken." malungkot kong sabi
"Ayos lang yun. Hindi ko hahayaan na may magpaiyak pa sayo ulit. Yiiii! ngingiti na yan." Siya
Bigla naman akong napangiti nang malapad. Feeling ko siya yung saviour ko!
Nung grade 4 kami... Nasa swing kami nun kung saan una niya ako pinatahan...
"Para wala nang mag paiyak sayo, sumali ka sa Taekwando club namin." Siya
"Eh diba panglalaki lang yun?" Ako
"Hindi ah! May mga babae din, ano sali ka?" Siya
"Ah oo sige!" Ako
Simula nun, magkasama kami sa pag aaral ng Taekwando, minsan nga magpartner pa kami.
Grade 6...
Malapit na ang graduation namin... "May partner ka na ba sa graduation ball?" Siya
"Wala pa nga eh, ang pangit ko kasi. Walang umaaya sken." Malungkot kong sabi
"Sinong may sabi na panget ka ah? Sisipain ko yun eh!" Siya
Natawa naman ako dun, "Ako. Sisipain mo na ba ako? Haha. Edi mas lalong wala nang nag aya sken. Ikaw meron na ba?"
"Masyado mo namang nilalait sarili mo, masyadong maganda ang mukha mo para sipain ko. Ako wala pa nga eh. Gusto mo tayo na lang?" Masaya niyang sabi
"Talaga?!" Hindi ako makapaniwala eh.
"Oo naman." Sabay akbay sken
Graduation Ball...
-It's her hair and her eyes today
that just simply take me away-
"Ainne?" Sabay alok ng kamay niya
Ngumiti ako at hinawakan yung kamay niya.
-and the feeling that i'm falling further in love
makes me shiver but in a good way
all the times i have sat and stared-
Hinawakan niya ako sa waist ko, ako naman hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya siya ang naglagay ng kamay ko sa may shoulders niya.
-as she thoughtfully thumbs through her hair
and she purses her lips, bats her eyes as she plays,
with me sitting there slack-jawed and nothing to say
coz i love her with all that I am-
Ngumiti siya, "Ainne."
"Oh?" ako
"Masaya ka ba?" Siya
"Oo naman Gagabb. Ikaw ba?" Ako
"Sobra. Kasi sinasayaw ko yung isa sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko." Sabi niya na may malapad na ngiti, kitang kita sa mata niya na masaya nga siya.
-and my voice shakes along with my hands
coz she’s all that I see and she’s all that I need
and i'm out of my league once again-
"Pakinggan mo yung kanta, bagay sten." Siya
"Tss. Palabiro ka talaga." Ako habang pinalo ng mahina yung dibdib niya at umirap
-it's a masterful melody when she calls out my name to me
as the world spins around her she laughs, rolls her eyes
and i feel like i'm falling but it's no surprise
coz i love her with all that i am
and my voice shakes along with my hands
cause it's frightening to be swimming in this strange sea
but i'd rather be here than on land
yes she's all that i see and she's all that i need
and i'm out of my league once again-
"Hindi ako nagbibiro. Tss! Sumusungit ka ah." Ngiti niyang sabi at hinigpitan niya ang pagkapit sa waist ko, para ngang magkayakap na kami at sabi niya malapit sa tenga ko, "Thank you for coming in to my life. Let's stay like this forever, okay?"
"Chhh. Hindi kaya ako masungit." ngumiti lang siya at sumayaw lang kami ng tahimik. Napangiti ako ng malapa. Sobrang saya sa feeling.
-it's her hair and her eyes today
that just simply take me away
and the feeling that i'm falling further in love
makes me shiver but in a good way
all the times i have sat and stared
as she thoughtfully thumbs through her hair

Nung matapos na yung kanta, umalis na kami sa pagkakahawak namin sa isa't isa at nagsalita siya, "Pikit ka."
"Bakit? Ayoko nga!" Ako
"Wag na matigas ulo. Dali na." Siya
Pumikit na ako, "Oh? Ano ba yun. Niloloko mo naman ata ako eh."
"Wag mo tong iwawala ah." Siya
Napatingin ako sa wrist ko, may binigay siyang bracelet, "Forever and always?"
"Oo, forever at always tayong magkasama." Siya
"hweh di nga?" sabay irap ko
"Oo nga sungit!" Siya
"T-TALAGA? PROMISE?" Ako na may malaking ngiti sa mukha ko
"Promise." Siya
*END OF FLASHBACK*
Napamulat ako ng mata, hindi ko namalayan na may luha na pala sa mga mata ko. Sobrang dami naming memories nun. Ang sakit lang maalala.
-END OF POV-
Jel's POV
Pinagpasyahan namin ni Laura bisitahin si Cez, kasi panigurado lutang na naman yun at umiiyak? Well, hindi namin alam kaya nga bibisitahin dba? hahaha.
"Huy Laura! Dalian mo naman jan." Ako
"Teka eto na oh." Laura
"San ba kayo pupunta at nagmamadali kayo?" Kuya Leo
"Kela Cez po." Ako
"Ah, ikamusta mo na lang ako kay Kuya Jed mo ah." Kuya Leo
Tumango na lang ako at ngumiti.
"Tara na Jel." Laura, "bye kuya!"
"Sige, ingat kayo ah!" Kuya Leo
Umagang umaga ng Sunday na kela Cez kami.
*toktoktok*
"Oh? Kayo pala. Pasok." Kuya Carl, "Umagang umaga ah. Binibisita niyo ba si Cez?"
"Ah oo kuya." Ako
"Tulog pa siya eh, pero pasok na kayo sa kwarto niya." Ate Ysay
"Sige ate, salamat." Laura
"Bakit may sakit ba si Cez?" Kuya Carl
"Wala, hindi ba sayo nasabi ni Cez na nandito si Gabriel?" Ate Ysay
"ANOOOOOOOOOOOOOOOO?! totoo ba yun Jel?" Kuya Carl
"Ah opo kuya." Ako
"Tsssssssssssskk! Dba nasa France yun?" Kuya carl
"Nandito pa po daw sila nung pasko." Ako
"Alam niyo ba yung tungkol sknila?" Kuya Carl
"Opo, na magkababata sila." Laura
"Siya nga rin pala ang tinatawag na 'FOREVER AND ALWAYS' ni Cez. Ang daming alam nung babaeng yun eh. Sige punta na kayo sa kwarto niya." Kuya Carl
"Bat po forever and always?" Ako
"Nako, skniya nyo ipakwento." Kuya Carl, "Sige, mauna na ako senyu. Ysay! baon ko?" Kuya Carl
nandito kami ngayon sa kwarto ni Cez, tulog na tulog pa siya. Mukhang puyat nga eh. Yakap yakap niya yung teddy bear tapos parang ang higpit nung hawak niya sa kabila niyang kamay. Ano kaya yun?
Bakas ang lungkot sa mukha niya, mukha rin siyang umiyak.
*FLASH* pinicturan ko siya nang bigla siyang namulat.
"Ughhh." Siya
"Ayan nagising tuloy." Laura
"Sorry." sabay peace sign ko
"Oh? B-bat kayo nandito?" Cez
"Bat bawal kami bumisita sa kaibigan namin?" Laura
"Hehe. pwede naman. Ang aga niyo ksi eh." Cez
"Nagaalala kasi kami sayo eh." Ako
"Bakit naman?" Cez
"Yung.... kasi..." Ako hindi ko masabi sabi eh..
"Yung pagbabalik kasi ng kababata mo, si Gabriel." Laura
"Chh! eto masyadong straight." Pabulong ko skniya
Ngumiti lang si Cez, "Ah yun ba? Chhh. Ayos lang yun." tapos tumungo siya, "Okay lang talaga ako."
"Hindi ka okay Cez, sinasabi mo lang na okay ka kasi ayaw mo kaming magalala. Pero ang totoo, sobrang nasasaktan ka na." Laura
"Oo nga, andito lang kami para sayo." Niyakap namin siya ni Laura, biglang tumulo yung luha niya, "Salamat." sbe niya
*FLASHBACK*
Wait! Bakit tumakbo si Cez? At sumunod tong? Sino ba to? Ang gulo >.<
"John! Sino yung humabol kay Cez?" Ako
"Ah si Gabriel." John
"Ah, eh bakit niya hinahabol?" Laura
"Ewan ko din. Wait sundan ko lang silang dalawa." John
Napa tungo na lang ako, sino kaya yun? HMP!
Unang bumalik yung Gabriel daw, "Gabriel!" Tawag ni Laura, tinapik ko siya at binigyan ng anong ginagawa mo look. Ngumiti lang siya.
"Ah? bat mo nga pala hinahabol si Cez?" Laura
"Ah akala ko kasi siya yung kababata ko, kamukhang kamukha niya kasi eh." Gabriel
"Kamukha ni Cez?" Ako
"Ah oo, ano ba surname niya?" gabriel
"Ah Martin." Ako
"M-martin!?" Siya na hindi maipaliwanag yung mukha niya.
"Oh bat naging ganyan mukha mo?" Laura
"Martin talaga?" Siya
"Ahh. oo---------------AHHHHH!" Biglang kinurot ni John yung pisnge ko
"Ah laro na tayo Gab?" John
"Oy! Bat mo ko kinurot?!?!" Ako
"tsk! Di nga pinapasbi kay Gab yung surname niya eh, hindi ko din alam kung bakit." John, "Patay ako neto! tsk"
"Eh?" Yan na lang nasabi namin ni Laura
nagtext samin si Cez na umuwi na daw siya kase sumakit daw yung tiyan niya...
Pagkatapos nilang mag basketball, tinawag namin si Gabriel at tinanong namin kung anong meron sknila ni Cez at kwinento niya lang na magkakababata sila at nasaktan niya nga si Cez. Kaya pala tumakbo si Cez kanina. TSK! Ang dami namang nananakit kay Cez. HAYS!
*END OF FLASHBACK*
Hinaplos haplos lang namin yung buhok niya at bigla siyang nagsalita.
-END OF POV-
Cez's POV
Niyakap ako nila Jel, bigla na lang tumulo yung mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang alam ko nasasaktan pa din ako, hanggang ngayon.
Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko. Lahat ng hinanakit ko.
"Ang sakit sobra." Sa sobrang sakit ng pakiramdam ko yun na lang ang nasabi ko.
"Shhh. Kya mo yan Cez." Jel
"Bakit ganun? Lahat ng minamahal ko, iiwan din ako? Wala naman akong ginawa, minahal ko lang sila. Bakit ganun? Kung kelan handa na ako at kaya ko nang panindigan yung mga nararamdaman ko ska naman sila bibitaw? Bakit lagi na lang ako napagpapalit? Bakit laging may higit sken? Bakit ako laging naiiwan? Nasasaktan. Napapagod na ako. Sabi nila masaya magmahal ang may magmahal sayo, pero bat ganun? Ang ending ako laging talo. Nananadya na ba ang tadhana?" Sabi ko habang umiiyak
Niyakap lang nila ako, at nakinig sa mga reklamo ko Nagpapasalamat ako sknila kasi nandiyan lang sila para sken, at nakikinig. Sila at ang pamilya ko na lang ang meron ako. Sana wag naman sila mawala sken.
*SCHOOL BELL*
"Hay salamat uwian na!" Jel
"Fave time mo talaga ang uwian ah?" Laura
"Shmpre! Kasi makakasama ko na naman kayo uli." Sabay yakap smeng dalawa
"Tsssss. Drama." Ako
"Drama queen kamo." Laura
"Kayo talaga! Masama bang mamiss kayo?" Jel
"WEH?!?!" Kami ni Laura sabay tawanan.
"Uy mauuna pala ako sainyo, punta pa ako Chester's Fried Chicken(filipino store), pinabibili pa kasi ako ni Ate Ysay. Sige una na ako sainyo ah?"
"Samahan ka na namin?" Jel
"Nako ayos lang. Una na kayo sa public library." Ako
"O sige. Ingat" Laura
nag bbye na ako sknila.
Naglakad na ako papunta sa Chester's. Sa pila may sumingit! HAY NAKO HINDI MARUNONG PUMILA! URGH ASAR NMAN OHH! -____-
"uh excuse me miss, may pila oh. jan kasi ako eh." sabay turo sa pwesto niya
"Ah ganon ba? pwede bang mauna na ako kasi nagmamadali ako eh." Siya
"Uh di pwede eh. nagmamadali rin kasi ako." Pagtataray ko
"Ah ganon ba?" Tila ayaw pa din umalis sa pwesto niya
"Oo ganon." Ako, "Sige una na ako ah." sabay punta sa counter at nag order.
May narinig akong tumawa ng mahina. Nung inabot na sken yung order ko, palabas na sana ako ng store nung may narinig akong, "Hindi ka pa rin nagbabago, masungit ka pa rin."
Si Gagabb?!
Dali dali akong lumabas at tumakbo at nakarating na ako sa may play ground kung saan may swing dun. Yun yung lugar na nagkausap kami ng matino ni Jeremy. Umupo muna ako sa swing kasi nga hingal na hingal ako at biglang napangiti. Naalala ko kasi si Jeremy. Nag sorry pa siya sken nun. Chh. At pinatugtog ko yung The Only Exception. hay, alala masyado mo kong pinapatay.
"Swing?" Si Gagabb!
Napalingon ako sakniya, at tumingin sa ibang direksyon at tinigil ko yung kanta.
"Oh bat mo tinigil yung kanta?" sabay upo dun sa bakanteng swing
"Wag na lang." Ako habang nakatingin pa din sa ibang direksyon
"Naalala ko nung mga bata pa tayo. Swing din yun. Yung una kitang pinatahan. At nakilala nang lubusan." Siya
"Wag na, tama na." Ako
"Hindi ko naman sinasadya na saktan ka nun Ainne." Siya
Yung boses niya, namiss ko yun. Yung pagtawag niya sken ng Ainne. Hay. Nangingilid yung luha ko. Shet! pigilan mo Cez!
*FLASHBACK*
Second year high school kami nun, sayang hindi kami magkakaklase! PSH! Nakakaasar naman. Lagi kasi kaming magkaklase ngayon lang hindi. Lunch namin nun, nga pala valentines day pa! Ginawan ko siya ng chocolate cake na may nakalagay na 'I LOVE YOU'. EXCITED NA AKO! :'''>
Nung palabas na ako ng classroom, may nagsisigawan.
"Huy? Anong meron dun?" Ako
"Ah. Ewan ko din eh, tara tignan naten." Kayie (kaklase ko)
Naglakad kami, tuwang tuwa pa nga ako nun eh. Hawak hawak ko pa yung cake kong dala :)
"Ano yang hawak mo?" Kayie
"Ah eto ba? Para kay...." Ako
"gabby?" Siya
"Ah oo. hahaha!" Ako
"nako siguradong masusupresa yun." kayie
"Sana nga." Ako
Nung nandun na kami sa may nagtitilian, nakita kong may binibigyan nang isang lalaki yung babae ng isang dosenang bulaklak, AWWW ANG SWEET NAMAN! tapos ang daming nagpipicture. Sana ako din bigyan ni Gagab :'''>
Ang laki talaga ng ngiti ko kasi excited na ako. Nang biglang magsalita si Kayie, "Tara. Dun na tayo Cez." Habang hila hila ako ni Kayie
"Wait lang gusto ko makita kung sino yung lalaki at babae." Ako
"Wag na! tara na uy!" Pagpupumilit niya
"Eh. Ayoko. tara na kasi." sabay takbo gusto ko kasi talaga makita.
"OO! YES!" Sabi nung babae
Biglang nagtilian yung mga tao, kaya naman binilisan ko yung pagtakbo.
Bigla kong nabitawan yung cake na dala ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Biglang nanakit yung dibdib ko. Hindi ako makahinga. Lahat ng tao napatingin sken.
"Ainne?" Gagabb na biglang napatayo sa pagkakaluhod niya
Napatingin skniya yung babae. Nawala yung ngiti sa labi ko, napalitan ng kalungkutan.
Palapit na sana sken si Gagab, ang bigla akong tumakbo. Nakasalubong ko pa si Kayie, "Oh? Cez? Sabi ko sayo wag ka nang pumunta eh." Pero tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo.
Si Gagab, nagtapat ng pagmamahal niya dun sa babae. Nagdala pa siya ng isang dosenang bulaklak. Nililigawan niya pala yung babae. At sinagot na siya sa araw pa mismo ng Araw ng mga Pagibig.
Narinig ko na sinusundan ako ni Gagab, "Wag muna Gab. Hayaan mo muna siya." Kayie
Nandito lang ako sa isang sulok sa may school, iyak ng iyak. Paano niya sken yun nagawa? Sabi niya MAHAL NIYA AKO! Simula nung mga bata pa lang kami. Umamin siya sken nung 1st year kami, foundation day pa nga nun eh. Iyak ako ng iyak. Ang sakit sobra.Pinaasa niya lang ako. Kung kelan handa na akong sabihin skniya na MAHAL KO RIN SIYA ska naman MAY IBA NA PALA SIYANG MAHAL </////////////////////////////3
Hindi ba siya nakapag intay sa sagot ko? Masyado ba siyang natagalan at naghanap siya ng iba? Hindi ba ako naging sapat skniya? Bakit nagkaganun na lang bigla? Yan ang mga tanong na napako sa isipan ko.
Yun na ang huli kong pagkakakita skniya. Nabalitaan ko na lang after 1 week eh nasa France na pala siya. Dun na daw sila titira kasama ng lola niya at buong pamilya niya. Ni hindi kami nagkausap ng maayos. Puro question mark ang naiwan sa isip ko at puro sakit ang iniwan niya sa puso ko. Ni hindi niya ako tinext o minessage sa facebook. Nga pala, nag deactivate siya ng profile. Totally, wala. Iniwan niya akong nag iisa, umiiyak at nasasaktan.
Ang taong nagsabi sken na, 'Ako yung taong sasagip sayo sa lahat ng taong magpapaiyak sayo. Kahit kelan hindi kita papaiyakin at sasaktan. Mga bata pa lang tayo, alam ko noon pa lang ginawa ako ng Diyos para sayo. Mahal Kita Ainne. Forever and Always.' siya rin pala etong sasaktan at iiwan ako. Ang unang taong minahal ko ng lubusan.
*END OF FLASHBACK*
Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.
"Sorry." Yun na lang nasabi niya
Tumayo ako at binigyan siya ng isang pilit na ngiti at umalis.
"Alam ko nasaktan kita. Pero sana wag mong takbuhan lahat ng hinanakit mo." Sabi niya sabay alis
Napatigil ako sa paglalakad ko. Hindi ko maintindihan yung sinabi niya.
Ang totoo, mahal ko pa din siya. CHAPTER 12:Unexpected happenings.
Cez's POV
"Oh bat ganyan ang mukha mo?" Ate Ysay, "Para kang binagsakan ng langit at lupa.
"Nagsorry sya sken." Plain kong sagot sabay upo sa sala.
"Oh ano sabi mo? Nagkausap na kayo?" Ate Ysay
"Hindi ako umiimik. Ayaw ko muna marinig yung explanation niya kaya umalis na ako kaagad pero bago ako umalis sabi niya na wag ko daw takbuhan lahat ng hinanakit ko." Ako sabay tingin kay Ate Ysay, "Ano ibig sabihin nun? Ayaw niya ako tumakas sa pananakit ng puso ko? Ano ba gusto niyang iparating sken?"
"Ang gusto niya harapin mo lahat ng pananakit jan." Sabay turo sa puso ko
"Dito?" Ako
"Oo, kasi lagi mong tinatakbuhan eh. Mas lalo kang tumatakbo, mas lalong bumibigat ang laman niyan, hanggang sa puro sakit na lang ang laman niyan." Ate Ysay
"Eh ano ba dapat kong gawin?" Ako
*ANONTHER DAY SA SCHOOL*
"HAAAY! Isang buwan na lang at summer na! I CAN FEEL IT!" Jel
"Tsss. masyado kang excited, di pa nga tayo tapos sa mga projects naten." Laura
"Dali na lang yun. Oy! oy! Cez!(sabay tapik sken) okay ka lang ba? Kanina ka pa kse lutang." Jel
Kwinento ko sknila yung nangyari kahapon...
"WOAAAAAH!" Jel
Binatukan nga ni Laura, "Masyado ka naman maka-react."
"Eh shmpre noh, a liit talaga ng mundo. Akalain mo yun after 2 years, magkikita kayo ulit." Jel
"Mahal mo pa ba?" Laura
Nakakalungbaba lang ako, "Hay. Hindi naman nawala eh."
"AY MALA ONE MORE CHANCE!" Jel
Binatukan ulit ni Laura, "Nakalunok ka ba ng microphone ah? Ang sakit sa tenga eh."
"Sorry naman! Nakakailan ka na ah!" Jel
"Gusto mo pa ng isa? Hinaan mo yang boses mo ksi." Laura
"Tsss. Back to the topic, oh ano na plano mo?" Jel
"Hindi ko alam?" Ako
"Eh bakit naman siya gagawa ng plano? Eh hindi naman nakikipagbalikan skniya si Gab." Laura
"Eh hindi naman naging kami eh." Ako
"SUS! Parang naging kayo na din noh, edi second chance." Laura
"Oo nga, anong gagawin mo kapag humingi siya ng second chance?" Jel
Pinukpok ko na lang yung ulo ko sa lamesa.
"Ayy. Wala to. tsktsk" Laura
"Edi bigyan mo ng chance!" Jel
Napabangon ako, "Tsss. eh pano kung nakikipagkaibigan ulit?"
"Edi kaibigan ulit." Laura
"Oo nga, friends lang naman eh." Jel
"Eh pano kung ayoko?" Ako
"tsss! Bitter mo!" Jel
"Hindi pa ready to oh." Sabay turo sa puso
"Magpatawad ka na kasi, hanggang hindi mo siya napapatawad. Walang mangyayaring maganda." Laura
"TAMAAAA! Kung ang Diyos nga nagpapatawad, ikaw pa kaya. Saka nag sorry na naman siya dba?" Jel
"Sincere ba yung pagkasorry niya sayo?" Laura
"Yung boses niyang yun. Yung mukha niya. Hay. Tingin ko naman oo." Ako
"Girl, don't ruin your childhood friendship just for one mistake." Jel
"It's not a mistake, it's a choice." Laura
Hay nako, pareho silang may point. Napabuntong hininga na lang ako.
"Kung ano mang sinisigaw ng puso mo, sundin mo." LauraAno nga ba sinisigaw ng puso ko? *SCHOOL BELL*
"Hay salamat uwian na!" Jel
"tara sa locker muna tayo." AkoNung sinara na namin yung locker namin, biglang lumitaw yung... 'dinedate' daw ni Jeremy.
"Oh look who's the pathetic slut that Jeremy just played on." Siya, "You must be really broken hearted." Tapos nagtawanan sila ng mga kasama niya at yung boses niya pa eh pang asar.
"Look, just shut the fck up okay?" Jel
"Oh, here's the speaker of this slut uh?" Siya
Magsasalita na sana ako nang biglang, "Stop telling her that she's a slut, or else I will make you one oh yeah I forgot you are one." Si Laura na may sarcastic tone.
"You heard that aight? Let's go girls, we're wasting our precious time for the wannabe's." Jel
Napa-WHAT LOOK LANG SILA, sabay daan namen sa harapan nila, sumigaw yung babae kanina, "This isn't over yet!!!!"
Nakatlikod lang kami sknila at binigyan siya ng TALK TO THE HAND NI LAURA. HAHAHA GALING TALAGA EH!
"Ang kapal naman ng mukha niya para tawagin ka niyang slut, mas nagiging mukha nga siyang slut eh. TSSS!" Jel
"Ang sabihin mo, malandi lang talaga yang si Jeremy na yan! Pssh! Pa-fall. Walang kwentang lalaki." Ako
"Oh dahan dahan, bitter ateng?" Jel
"Totoo naman kasi." Laura
"psh! nagsama ang dalawang bitter. mahal mo pa noh Cez?" Jel
"HAHAHAHA. Hindi siya worth it sa ganda kong to." Proud kong sabi
"Ang confidence." Jel
"Totoo kasi." Laura
"psh!" Jel
Nandito kami ngayon sa Nike court, naglalaro naman ako ng fruit ninja. Tinatapik tapik ako ni Jel, "Anoba!" palakas ng palakas yung pagtapik niya sken. "ANO BA YUN AH! AYAN NATAMAAN KO TULOY YUNG BOMBA!" Asar kong sabi.
Tumuro lang siya sa may likuran ko.
Paglingon ko, "Ainne, pwede ba tayong mag usap." Si Gagabb
Tumingin muna ako kela Laura at tumango lang sila sken.
Pumunta kami sa may playground at umupo sa swing.
-END OF POV-
Laura's POV
"Hi Laura ko!" Ay nako si Enzo na naman
"Ayiiii! Kayo na?" tanong ni Jel
"Sana!" Siya
"Tssss. Tigilan mo nga ako." Inis kong sabi
"Nako kunware lang yan pero mahal ka niyan." Jel
"JELLYN!" Sigaw ko at tinignan siya ng masama, napa peace sign na lang siya.
"Alam ko naman eh." sabay kindat niya.. LIKE EWWWWWWWWW! >.<
"Mandiri ka nga." Ako
"Wag ka na magdeny, alam kong mahal mo na ako." Sabay akbay sken
Tumatawa lang si Jel.
"Alisin mo yang kamay mo o mawawalan ka ng kinabukasan." Ako
Tinanggal niya yung kamay niya, "Psh! Blackmail." Siya
"Ako nga ang blina-blackmail niyo ni Kuya eh." Ako
"Sadista ka kasi." Siya, "pero wag kang magalala, MAHAL PA DIN KITA!" Nakangisi pa siya
"Oh yun naman pala eh! KASALAN NA!" Sigaw ni John, tapos lahat sila nagtilian! SUSME! ASA NAMAN OH! -_____-
"Oh tignan mo babe, lahat sila payag!! Tara punta na tayong simbahan?" Siya na may malaking ngiti sa mukha niya
"YUN OH!!!!!!!!!!" Sila, "babe daw!" Sigaw nung isa, Sigaw naman ni Pauline, "Ikaw lang ang naglakas loob na tawagin na 'babe' yang si Laura."
"PATAY! Inlababo na si Laura!" Sigaw ni John
Inirapan ko na lang sila.
"Tara punta na tayo simbahan!" Sabay hila sa kamay ko
"WAAAAA! KASALAN NA!!! YUN OHHHH!" Sila, "DAYA DI KAMI INVITED!"
Lumingon si Enzo, "HONEYMOON MUNA BAGO KASAL!"
Nagsitilian sila, "YUN ANG DA MOVES!!!! GE GOODLUCK!!"
Nung sinabi niya yun, binatukan ko siya.
"Aray naman! San ba gawa yang kamay mo ah?! Sakit eh." sabay himas sa batok niya
"Eh bat mo sinabi yun?!" Asar kong sabi
"Eto di naman mabiro, pero di talaga biro yung mahal kita." Sabi niya na biglang sumeryoso yung mukha
"Ano!? May sinasabi ka?!" Ako
"Ahh wala, wala. Nevermind." Siya
"Ah kala ko may sinasabi ka eh." Ako
"Di mo talaga narinig?" Siya
"Kung narinig ko edi sana hindi ko papaulitin!" Ako
"Di ka lang pala sadista, bingi ka pa." Bulong niya
Actually naririnig ko naman, gusto ko lang ulitin niya.
"ANO?!?! Suntukan na lang ano?" Ako
"Eh bat yun narinig mo, yung kanina kong sinabi hindi?" Siya
"Aba ewan ko?!" Ako, "San ba tayo pupunta?"
"Sa simbahan." Seryoso niyang sabi
Pinalo ko nga, "ANO SAN NGA?"
"Haha joke lang. Hindi ko din alam eh." Siya
"ANO HINDI MO ALAM?! Eh bat mo pa ako hinila dun?" Asar kong sabi
"Gusto kita ma-solo eh." Siya
Napatahimik na lang ako. Nai-speechless naman ako dun. Ma-solo daw?! PSH! nakita kong ngumiti siya. TSSSS! Anong nginingiti ngiti niya jan?! TSK!
"Ayiiie. kinikilig naman ako." Siya
"Huh?! Anong pinagsasabi mo?" Nagtataka kong tanong
"Nakangiti ka kse eh." Siya
AYYY! nakangiti pala ako shet naman oh, "Ah. Porke ba nakangiti ako ikaw na agad ang dahilan diba pwedeng bigla na lang akong napangiti." Ako sabay irap
"Hala! Anung dahilan nang pag ngiti mo? Nababaliw ka na ba?" Siya
"Eh kung ikaw kaya ilagay ko sa mental!!!" sabay walk out
"Huy! habol niya sken, "Joke lang! san ka punta?"
"uuwi na!" Ako
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko kaya naman nagulat ako.*BOOOOOOOG!* nasipa ko siya sakanyang pinaiingat ingatan na parte.
"SHIIIIIIIIT!" Siya na napahawak sa kanyang yun na yun. :))
"Sorry!! Pano ba naman kasi nilapit mo sken mukha ko, defense mechanism ko lang yun sorry." Ako
"A-aaaaray. Ang s-s-skeet!" Siya
"Sorry talaga." Ako, "Uh? Kaya mo ba maglakad?"
"Tingin mo kaya ko?!" Siya
"Eh sorry na kasi, tara alalayan na kita." Ako
Bigla siyang yumakap sken. SO KELANGAN YAKAP TALAGA!!!! "Eh kung isa pa kaya?! SABI KO AALALAYAN KITA HINDI YUMAKAP!" Ako
"Ay sorry. Alalay pala." Sabay akbay na lang sken
"Naplakas ata." Ako
"YOU THINK?!" Siya
Nung malapit na kami sa bldg namen, "Oh! Laura at Renz, grabe naman naglalakad kayo magkakbayan pa!" Kuya Leo
"Tssss. Kelangan eh." Ako
"Sinipa niya kasi ang aking precious." Siya
"SINIPA MO LAURA?!?! Paano kung may mangyari jan? Paano na kayo magkakaanak?" Kuya Leo
"Onga eh, eto kasing mapapangasawa ko masyado brutal." Siya
"GUSTO MONG SUNDAN KO PA AH?! At ikaw kuya gusto mo yung iyo din?" Inis kong sabi
"Wag yung akin, kawawa naman ang mapapangasawa ko." Kuya Leo, "tsk patay ka kay Jacel pag nalaman niya yan. tsktsk." Kuya
"eeeeh kuya wag mong sabihin." pagmamakaawa ko.
"titignan ko." Kuya Pagpasok namin ng apartment...
UH-OH!! OH GOSH!!!! ANDITO SI KUYA JACEL -_____-
"Oh napano ka Renz?" Kuya Jacel
Tinignan ko siya ng SUBUKAN MONG SABIHIN MAY SUSUNOD PA JAN SIGE KA!
Napakamot lang siya sa ulo, "Ah kasi natamaan ng bola yung precious ko. Hehe."
HAY BUTI NA LANG :)) At eto namang si Kuya Leo tumawa lang mahina sabay sabi ng, "Grabe naman yang bolang tumama sayo, sinapul ka sa mismong tsktsk HAHAHAHAHA."
"Sino ba nakatama sayo? kuya Jacel
"Ah si John yung kalaro niya, dba Enzo?" Sabay tingin skniya
"Ahhh. Oo. hehe." SiyaHAY BUTI NAKALUSOT! :DD ---
*UWIAN NA ULIT*
"Laura." Sabay nguso ni Jel
Napalingon ako, si Enzo.
"Ahhh sige una na ako ah." Sabay takbo
"UY! Laura! UY! SANDALI LANG!" Enzo
Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo.
-END POV-
Jel's POV
Napansin ko kanina pa lutang si Laura, ano kayang nangyari skniya? Hmmm. Ayoko nang tanungin baka mabatukan lang ako neto. Actually, silang dalawa ni Cez kanina pa lutang. Ano kaya ang mga nangyari dito? HMMM?! Buti na lang ako walang love life! HAHAHA. Ayokong mamroblema noh. :))Uwian na namen, paglabas namen sa school naka abang si Lorenz. Oh? Bat tumakbo bigla si Laura! HAY NAKO NAMAN! TSK!
"Ako din una na ako." Cez
HALA NAMAN! ANONG NANGYAYARI SA WORLD?!?! HMP!
"Hay nako, ako na naman ang natira. Ano bang nangyari senyu ni Laura." Pagtataka kong tanong
"Umamin kasi ako skniya na mahal ko siya." seryosong sabi ni Lorenz
OH EEEEEEEEEM! ANO DAW?!
CHAPTER 13:The feelings that got back, are the feelings that never went away.
Cez's POV
Buong araw sa school, lutang lang ako. Ewan ko ba kung bakit. HAAAAAY! Napansin ko nga din na ganun din si Laura, bakit kaya? Hmm.Nung tumakbo bigla si Laura, sinabi ko ding mauna na ako. Gusto ko munang makapag isip isip. Umuwi ako sa bahay at dumeresto lang sa kwarto ko.
Humiga ako at nag isip isip.
*FLASHBACK*
Umupo kami sa swing. Nanaaig yung katahimikan saming dalawa, nakakabingi. Finally, nagsalita na siya.
"Sorry, hindi ako nakapagpaalam sayo noon. Ni hindi nga ako nakapagexplain eh." Habang nakatingin sa malayo
Nag half smile ako, "Hehe. Buti na nga yun eh. Hindi lang kasi ako makikinig sa mga sasabihin mo. Masyadong masakit kasi eh."
"Sorry nasaktan kita. Ewan ko ba nun? Ang tanga tanga ko. Padalos dalos ako sa pagdedesisyon ko." Siya
"Tama na ang sorry." Ako
"Mapapatawad mo pa ba ako?" Siya sabay tingin sken
"Dalawang taon nang nakalipas yun, oo aaminin ko hanggang ngayon sobrang nasasaktan pa din ako. Pero sa paglaon ng mga taon na yun, hindi mo rin naman kasalanan eh. Kasalanan ko din. Para kasing pinaasa kita. Ang tagal ko pang mag isip bago kita sagutin. Sabi nga ni Jel, kung ang Diyos nga nagpapatawad, ako pa kaya?" Sabi ko habang mejo natatawa pa. Pero nangingilid yung mga luha ko
"Hindi mo naman kasalanan eh. Nadala ako ng masyadong emosyon ko. Salamat, salamat sa pagpapatawad sken." Siya habang nakangiti
"Ahh. Kamusta na pala kayo nun?" Pilit kong ngiti skniya
"Matagal na kaming wala. Dalawang linggo lang naman kami eh." Napatawa siya, "Nakipaghiwalay siya sken kasi feeling niya rebound siya. Sabi niya, ikaw pa daw ang mahal ko nun. Ayaw niya daw maka hadlang sten kaya nakapagdesisyunan niyang magparaya."
Napatingin ako skniya, ang seryoso kasi ng boses niya. Nakita kong nangigilid din yung mga luha niya, "Niligawan ko siya kasi akala ko pinapaasa mo lang ako. Tuwing sinasabi ko kasi sayo na mahal kita, nginingitian mo lang ako at nagpapasalamat. Kung sabihan mo man ako ng I love you laging may best friend na naka side line. Siguro, napagod akong mag antay. Akala ko kasi walang patutunguhan. Akala ko wala lang ako sayo, hanggang mag best friend lang. Sinabi ko naman sayo, bata pa lang tayo, ako na yung taong magproprotekta at magmamahal sayo. Ewan ko sa panahon na yun, sumuko ako. Napagod. Kaya sabi ko sa sarili ko, maghahanap ako ng iba. Nadala ako noon sa emosyon ko. Hindi ko aakalain na mahal mo din pala ako." Tumutulo na yung luha niya sa mga mata niya
Pinapakinggan ko siya, kahit man ako may luha na din na tumutulo. Sinasabi niya kung ano yung nasa loob niya na matagal na niyang kinikimkim.
"Matagal nang plano nang pamilya namin na mag migrate sa France, ayoko lang sumama dahil sayo. Ayokong iwan ka. Gusto ko kasi nasa tabi mo ko. Kaya hindi rin ako nagpakita sayo bago umalis kasi once na makita kita at marinig ko ang boses mo, panigurado hindi na ako makakaalis. Umalis din ako kasi gusto kong mag isip isip. Hangga't nakikita kasi kita, mas lalo lang akong masasaktan. Hindi ko aakalain na nung araw na yun eh sasagutin mo na ang tanong ko sayo. Nabalitaan ko kasi na gumawa ka ng cake para sken. Tsk! Nasayang ko pa effort mo. Hindi kasi ako nakapagantay. Nagagalit ako sa sarili ko dahil sa mga nangyari. Kung... Kung nakapagantay lang ako at hindi ako nagpadalos dalos, siguro masaya tayo ngayon. Pero sabi nga nila, kung kayo daw talaga ang itinadhana, kayo at kayo pa din sa dulo. Ano mang sakuna, problema at paghaharang ang gawin man nila sainyo." Pagpapatuloy niya. Yung mga luha niya dun ako lalong naluluha. Ang sincere ng pagkasabi niya talagang mula sa puso.
Nginitian ko siya yung walang pag aalinlangan, yung galing sa puso ko.
"Yang ngiting yan, namiss ko yan." Sabi niya habang natatawa at pinupunasan ang luha niya, "Shet! Ang bading ko naman. Siguro ganon talaga pag nagmamahal. Nagiging corny."
Lumapit siya sken at ngumiti sabay pinunasan niya yung mga luha ko. Napatingin siya sa may kamay ko, "Suot mo pa pala yan." May malapad na ngiti sa mga labi niya
"Ahh. Oo." Sabay tingin sa malayo
Hinarap niya ako skniya gamit ang kamay niya at hinawakan niya ang dalawa kong pisnge, "Ainne, sa dalawang taon na lumipas. Ni isang beses hindi kita nakalimutan. Sinusubukan ko man, pero hindi talaga kinaya ng puso ko. Araw-araw, hinihiling ko sana bumalik ang oras at ibahin ang mga desisyon ko. Pero ngayon, ngayon na nakita na kita. Ayoko nang pakawalan ka. Ayoko nang mamuhay araw araw ng may pagsisi sa buhay ko. Ainne, mahal na mahal kita. At mas lalo kitang minahal nung nagkahiwalay tayo."
Hindi ko alam ang sasabhin ko nun. Narinig ko na naman galing skniya ang salitang MAHAL KITA. Tumulo na naman ang luha ko at pinupunasan niya lang ito, "Ainne, mahal mo pa ba ako?"
Yan. Yang ang tanong na kinakatakutan kong marining ulit mula skniya. Nakatingin siya sa mga mata ko na nangangawa. Hindi ko alam kung sasagutin ko yung tanong o hindi. Ayaw magsalita ng bibig ko. Umuurong yung dila ko. Mahal ko pa ba siya?
Oo, mahal na mahal ko pa rin siya.
Ngumiti siya, "Sa pangalawang pagkakataon, handa akong maghintay. Kahit mapagod man ako sa kakahintay, hindi ako magsasawang intayin ka. Kakayanin ko na ngayon. Alam ko gulat ka pa din sa mga nangyayari ngayon. Bigla kasi ulit akong lumitaw sa buhay mo. Handa akong magintay sa sagot mo kahit alam ko na ang sagot mo.""A-alam mo?" Ako
"Oo. Gusto ko lang ulit na marinig ko mula sayo. Alam ko may galit ka pa rin diyan sa puso mo. Iintayin ko yung araw na yun. Ainne." Siya
Sa sobrang tuwa ko sa sinabi niya, napayakap ako skniya. "I missed you." Siya
Hindi ako sumasagot. Kumalas na siya sa pagkakayakap niya, "Pwede ba ako ulit humingi ng chance?"
AT ETO NA NGA ANG PINAKAKINAKATAKUTAN KONG TANONG! 0.0 WHAT TO DO?!
"Wag kang mag alala, wag ka munang sumagot. Hindi naman ako nagmamadali eh. Best friends?" Sabay inalok niya sken ang pinky promise finger. Yun kasi yung parang hand shake namin.
"Best friends." Ngiti kong sabi at nakipag pinky finger shake skniya.
Tumawa lang kami, "Hay. Ang hilig natin sa swing noh?"
"HAHAHA. Oo nga eh. Namimiss ko na tuloy ang Pilipinas." Ako habang nakatingin sa malayo
"Eh ako hindi mo namiss?" Siya habang nakatingin sa akin
"Namiss." nakatingin pa din ako sa malayo
"TALAGA?!" Excited na sabi niya
Nag sign ako ng unti lang sign gamit ang kamay ko.
"Tsss. Alam ko naman na sobrang miss mo na ako." Siya
"Sus. Alam mo naman pala eh, tinatanong mo pa." pabulong kong sabi
"Ano? May sinasabi ka?" Siya
"Ah wala, sbe ko nga uwi na ako eh." Ako
"Ah hatid na kita sainyo." Pag aya niya
"Wag na, makita ka pa nila Kuya." Ako
"Galit pa ba sila sken?" Siya
"HAHA. Huwag mo nang tanungin." Ako
"Psh! Dami ko pa pala susuyuin." Siya, nagulat naman ako sa sinabi niya. Susuyuin? Talagang paninindigan na niya mga sinabi niya ah.
"HAHA. Goodluck." Ako*END OF FLASHBACK* Napa bangon ako kasi bigla akong hinampas ni Kuya Carl ng unan sa may binti, "Mahal mo pa dba? Eh bat mo pa pinatatagal?"
"KUYA NAMAN EH! Sinong may sabi na iniisip ko siya?" Ako
"Yung utak mo." kuya
"Tsss. Ano mind reader ka na ngayon?" Ako
"So totoo nga?" Siya habang nakangisi, TSK NAHULI NA NAMAN AKO NETO.
"Eh shmpre naguguluhan pa din ako." Ako
Umupo siya sa kama ko, "Naguguluhan ka? O ayaw mo lang talaga paniwalaan? Alam mo, tama na ang kakatingin sa nakaraan. Tapos na yun eh. Ang mahalaga ay yung ngayon."
"Eh gusto ko bago ko siya bigyan nag pangalawang pagkakataon, dapat ipakita niya muna sken na worth it." Ako
Ginulo ni kuya ang buhok ko, "Tama yan Cez, yan na ata ang pinakang magandang desisyon ang nagawa mo sa talambuhay mo." Pagbibiro ni Kuya
"tsssh! Ah basta kelangan niya muna mag effort." Ako
"Basta. Pag nakita mo na lahat nang effort na gusto mong makita, pagbigyan mo na. Sige ka! baka mag pari yun, tsktsk sayang naman si Gabby, gwapo na, matalino pa. At mayaman! San ka pa?" Kuya
"Tss. Nababading ka ba kuya? Biro ko
"HAHA. eh ikaw nababaliw ka ba?" pangbabara niya sken
"Malapit na." Ako
"Hay nako, tama na nga yang love life na yan. Mag aral ka ah!" Sabay bato sken ng unan at palabas na ng kwarto ko.
"Tss! sabay ganon?!" Ako
"Oo! Pag aaral muna bago landi." Kuya
"HAHA. Nagsalita...." pabiro ko
"Tsk. Sige na mag aral ka na." At lumabas na sa kwarto ko.
Tumatak ang mga sinabi ni Kuya sa isip ko. Hays. Bahala na nga si batman. HAHA.
-END OF POV-
Lorenzo's POV (yiii first time! haha)
Una ko pa lang makita si Laura, alam kong tinamaan na ako skniya. Dati rati noong mga bata pa lang kami, sa bintana ng bahay namin... Pa silip silip lang ako skniya.
Una ko siyang nakita nung paglabas niya sa kotse nila nung bumisita sila sa bahay ng lola niya. Naka blue na dress siya nun at nakalugay ang buhok. Ang cute ng smile niya. Para akong nakakita ng anghel na bumagsak sa langit. Simula noon, lagi ko siyang tinatanung sa mga kuya niya. Buti na lang at close ko mga kuya nun.Nahihiya akong lapitan siya noon, mukha kasing masungit eh. Hanggang tingin lang ako skniya. Nung nalaman kong pupunta na sila sa Canada, dali dali akong tumawag kay dady. Buti na lang kasi nagtratrabaho si dady dun. May balak kasi siyang kunin kami at dun na din tumira kasama siya. Umaayaw lang ako kasi gusto ko dito ako gragraduate. Pero nag iba ang lahat nung nalaman ko iyon. Makalipas ng limang buwan, sumunod na din kami ni mama kay dady. Ang bait nga sken ng tadhana eh. Nasa parehas na city kami nakatira ni Laura.
After 3 buwan, nakasalubong ko mga kuya niya. Shmpre naman kinamusta ko siya noh. Sinabi ko na din sa mga kapatid niya na dati pa akong nagkakagusto kay Laura. Akala ko nga bubugbugin nila ako eh pero nagulat ako kasi natuwa pa sila. Akala nga nila wala nang magkakagusto kay Laura kasi para daw lalaking kumilos pero hindi pa din daw kasi adik daw yun sa Koreanobela.
Sinabi sken ng mga Kuya niya tuwing uwian nila eh dumideretso sila sa centre. Lahat ng nangyari nung nagkabanggaan kami eh sinadya ko talaga. Sinadya ko yun para mapansin niya ako. Sinadya ko rin na bungguin siya sa may skating rink. Ang kulet niya ngang magalit eh. At yung araw na hinila ko siya papalayo sa Nike court. Gusto ko talaga na umamin skniya pero ang binge kasi nung babaeng yun eh. Tsk! Nasipa tuloy ako sa may precious ko. -____- Nasa bahay nila kami nun. Umalis yung dalawa niyang Kuya gawa nung araw na yun eh, pang night shift sila. YES! Tuloy ang plano ko. Ang umamin skniya. "Hay, buti na lang at di tayo nahuli ni Kuya Jacel kundi." tuwang tuwa na sabi niya
"Oo nga eh." Ako
"Oh bat ka ganyan makatingin sken?" Siya
"Ampangit mo kasi eh." Ako, SHET ANO BA NAMAN YUNG NASABI KONG YUN! KABADO KASI AKO EH! AY TANGA KA TALAGA ENZO!! ANG GANDA GANDA NIYA EH TSSS! >.<
"Ah ganon?! Makakaalis ka na." Siya
"Uy joke lang. Yiiii!" Kiniliti ko siya.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Wag mo kong kilitin... WAAAAAAAAA!! HAHAHAHA." Siya
"Ang lakas pala ng kiliti mo. Ito pa!!" Ako
"Kyaaaah! Tama na... Eeeeeeeh naman eh... kyaaa!" Siya
Yung mga kamay kong kinikiliti siya, biglang napayakap skniya. Ngayon sobrang lapit na ng mga mukha namen, "Laura, mahal kita." seryoso kong sabi
Napabitaw siya sa yakap ko at umubo, "Wag mo kong lokohin."
"Nagsasabi ako ng totoo. Kelan mo ba ako seseryosohin?" Ako
"Ako? Kelan mo ba ako seseryosohin?" Siya
"Dati pa lang, alam ko nang itinitibok ka nito (sabay turo sa puso ko)." Ako
"Patawa ka ba? Ngayon ngayon lang tayo nagkita. Ang bilis naman." patawa niyang sabi
"Hay. Di mo talaga ako makita noon pa noh? Nakikita kita bumibisita sa lola mo noon. Nung unang una pa lang kitang nakita, alam ko nang tinamaan na ako ni Kupido." Ako
"Tsss. Narinig ko na yang linyang yan. Makaalis ka na." Siya na iritable na
"Totoo sinasabi ko, kelan mo ba ako mapapansin ah?! Kelan mo ba ako paniniwalaan na lahat ng sinsabi ko ay totoo?!" Ako na nagmamakaawa
nakatungo lang siya, "Umalis ka na please."
"Please naman oh, maniwala ka naman sken. Dati ko pa pinaparamdam sayo pero----" Ako
"UMALIS KA NA SABI EH!!" Sumigaw na siya
Palabas na ako ng pinto, "Sana naman kahit minsan, maramdaman mong mahal kita." Sabay alis
Pumunta akong Nike Court, nandun pa sila John. Kinuha ko yung bola at hinagis ng malakas. Naasar lang ako. AIST! Kaya naglaro na lang ako nang basketball.
Kaya ngayon, nandito ako skul nila nagiintay, para naman kausapin siya. Pero umalis siya. :(
"Jel, pwede mo ba akong tulungan kay Laura?"
-END OF POV-
Laura's POV
Umamin siya sken. Hay nako! Gumugulo ang buhay ko. Dumiretso na ako sa bahay. Nanonood si lola ng City Hunter na binili niya yung cd sa Spadina, china town dito. Oo, pareho kami ni lola na adik sa Koreanobela, sama mo pa sila Cez. AY SABOG LANG! :))
Umupo ako sa tabi ni lola at niyakap siya, "Oh napa aga k-ka ata ng uwi?"
"Masama ba la?" Ako
Tumawa si lola, "Huwag mo siyang iwasan." Nagulat naman ako sa sinabi ni lola. Nai-speechless tuloy ako.
"Kapag lalo mo siyang iniiwasan, lalo lang kayong magkakagulo apo."
"Huh? Lola?" Ako
"Tignan mo si Lee Min Ho jan, lalo niyang pinipigilan yung nararamdaman niya, lalong lumalalaki at lumalala." Lola
Natawa naman ako sa sinabi ni lola, "La, ikumpara daw ba?"
Pinalo ako ni lola sa may hita, "Apo. Hindi mo dapat iniiwasan ang mga nararamdaman mo. Hinahayaan lang kasi yan." Nakikinig lang ako kay lola, "Alam ko naman na bata pa lang kayo eh interesado na yung batang yun sayo. Nakikita ko kaso yung sumilip sa bintana nila at titigan ka."
Natawa talaga ako, "Ano lola? nakikita mo? tss."
"Aba! Eh kaya nga pag nandun ka nga sa bahay namin eh, dba lagi siyang naglalaro sa tapat natin? Nagpapansin nga sayo eh. Ewan ko ba, hanggang ngayon eh manhid ka pa rin."
"Wow! Gumaganon si lola ko." Ako habang niyayakap siyang mahigpit
"Aray ko naman batang ka oo. Palambutin mo na kasi yang puso mo. Pakawalan mo na ang nananakit jan." Lola, nagugulat talaga ako sa mga sinasabi ni Lola! Pati yun, alam niya?
"Oo, nakikita kitang umiiyak tuwing gabi. Kung sino man yun apo, tama na. Pakawalan mo na siya. Grand mother mo kaya ako. Ramdam ko din yun." Lola
"WAAA. kaya love ko kayo eh." Sabi ko
"Kaya bigyan mo na siya ng chance. Walang masama sa pagmamahal ulit." Lola
"Eh la naman eh, ayokong masaktan." Ako
"Eh ano naman kung masaktan ka? Ganun talaga apo pag nagmamahal. Sabi nga sa isang koreanobela, take chance and r-r-risk." Lola
"Wahahahaha. Lola talaga." Ako
"Ay nako. Manood na nga tayo. Ayan, hindi ko na alam yung nagyayari." Lola
"HAHAHAHA. Ang cute talaga nang lola ko." Ako sabay halik sa pisnge skniya
"Tama na ang drama, manood na tayo." Lola
---
Uwian, sa nike court. May ipapakita daw sken si Jel kaya naman eto ako naglalakad kasama siya. Palapit ng palapit kami, sumisikip yung dibdib ko. Kinakabahan ako.
May biglang kumanta...
-Crazy cause I'm falling in love
Falling deeply in love with you
Yeaa it's so damn true.
Friends say I'm out of my mind
That I shouldn't be with you
But they don't understand
The way I feel for you
Is unlike any other thing I've ever felt before.-
SI ENZO! Binulungan ako ni Jel, "SUPRISE! Umupo ka lang jan ah, gumalaw ka! SIGE PATAY KA SKEN! Ako naman ang magiging sadista. hehe! Enjoy." At iniwan na niya ako.
-But they don't understand
That I'm not crazy, I'm just a man
Searching for reasons to find you over and over again.
I'm not crazy, I'm just a man
I'm doing everything that I can.
-Crazy cause I'm telling the truth
There's no where to run
They're telling me that I should find another one.
They can say I'm out of my mind
I'll still be your man, they still won't understand
The way I feel for you
Is unlike any other thing I've ever felt before
But they don't understand-
Nakatingin lang siya sken habang kumakanta siya hawak ang gitara niya, ang ganda ng boses niya.
-That I'm not crazy, I'm just a man

I'm doing everything that I

I'm doing every...

I'm doing everything that I can.-
Nung matapos na ang kanta. binababa niya yung gitara niya, at lumapit siya sken.
*tugtugtugtug*
Nagsisitilian yung mga nanonood smen, tsss!
"Siguro nga baliw na ako dahil minahal ko ang isang katulad mo pero kung ikaw din naman kakabaliwan ko. Ayos lang, mahal naman kasi kita eh."
Biglang, "YUN OHHHHHHHH! YUN ANG BANAT! YIIII!"
Natawa naman ako dun.
"Una pa lang nang nakita kita, napatalon na ang puso ko. Iba ang tama mo sken Laura. Sana naman... yung mga mata mo, makita na ako. Sana yung puso mo, ako na yung tinitibok...."
SHET NAMAN! Gumaganon?! Teka nasa koreanobela ba ako?! WAHAHAHA! Natatawa ako lalo kasi yung mga nagsisigawan, nagwawala na. Mas kinikilig pa sken eh! HAHAHA. Shet kinikilig ako? HAHAHA.
"Laura, seryoso ako. Mahal kita." Siya na nakatingin sa mga mata ko.